S: Uuwi na kayo diba ?
Me: Yes
S: Sige, mag iisip ako kung anong papabili ko.
Eh ? Na stump ako doon sa sinabi nya, parang ang daming mali sa sinabi nya.
Una, hindi ba dapat tinanong nya muna ako kung pwedeng magpadala o magpabili ?
Pangalawa, wala pa pala siyang kailangan ipabili, so please, hindi naman kami nag ma maka awang magdala ng gamit mo kaya wag mong pilitin ang sarili mo kung wala kang importanteng naiisip. Ok ?
Pangatlo, naisip mo ba na kung saan saan pa mamamasyal yang padala mo ? Ilang beses pang paulit ulit naming bubuhatin ang mga maleta at kahon na kinalalagyan nyan ?
- bahay hanggang sasakyan (nasa 2nd floor ang tinitirhan namin)
- sasakyan hanggang sa check-in sa airport (NJ)
- pagdating sa CA airport, papuntang sasakyan
- galing sa sasakyan papasok sa bahay ng kapatid ko
- mula sa bahay ng kapatid ko papuntang sasakyan
- sasakyan hanggang sa check-in sa airport (CA)
- pagdating sa airport sa Maynila, papuntang sasakyan
- galing sa sasakyan papasok sa bahay namin
Yan e kung maipapasok namin sa bagahe namin na pang-check in. E kung ma overweight pa kami ? Edi bubuhatin na lang namin para hindi kami mag bayad ng additional na fees, tandaan mong pamahal nang pamahal ang bayad sa bawat karagdagang bagahe na ipapadala sa eroplano.
Kung hahawakan namin yan, aba, edi mamamasyal pa yan sa stopover namin sa Atlanta!
Kaya sige, kung importante ang ipapadala mo, walang problema sa akin ang magdala. Gamot ba yan ? Mga bagay na hindi nabibili dyan ? O kaya's sobrang mahal pag sa atin binili ? Pero, kung di naman talaga kailangan, pakiusap lang, wag ka nang magpilit na magisip ng ipapadala para lang merong maipadala. HINDI KAILANGAN, ok ?
Hindi talaga.
4 comments:
hahaha. nakakaloka. ingat sa byahe! :)
Hi Ivy, oo, nakakaloka nga! Actually, mabait naman tong taong to, nagulat lang ako.
In fairness, baka nagloloko lang siya at di ko lang na-gets dahil chat lang eh and hindi ko nakikita ang expression nya.
I admit, napikon ako.
i can't help but comment. i get annoyed din kasi sa mga padala issues. in fact, my friend & i never spoke for 3 years all because of "padala".
i understand where you're coming from. and you have the right to react that way. they'll never know how it feels like unless they get into the same situation. mahirap magbuhat ng baggage ha!
Post a Comment