Parang sadyang may mga tao talagang hilig nila ang magbaba ng kapwa. Parang doon lang sila sumasaya pag pinag di diinan nilang nasa mas mabuting kalagayan sila - mas magaling, mas matalino, mas mayaman, mas maabilidad, mas nakakataas ng sweldo, mas nakakataas ng posisyon?
Mabait naman itong taong ito, kaya lang, minsan imbes na makatulong siya, mas lalo lang akong naiinis, kailangan pa talagang haluan ng konting yabang yung sasabihin sa akin eh.
Oo na, magaling ka.
Oo na, talented ka.
Oo na, swerte ka.
May nakalimutan pa ba ako ?
At oo, nag br breastfeed pa ako. BAKET ? MASAMA BA ? Bakit ba pinagpipilitan mong itigil ko na ? Nagrereklamo ba ako ? Nahihirapan ka ba ? Hindi kaya naiinggit ka lang dahil hindi mo ito nagawa sa anak mo ? kaya't pinatitigil mo na ako ? o sadyang pakialamera ka lang talaga ?
Ang palaisipan lang sa akin ngayon ay sa akin ka lang ba ganyan ? o ganyan ka rin sa mga ibang kaibigan mo ? di ba sila nakakahalata ? o ayaw lang rin magsalita ?
O siya. Nailabas ko na ang sama ng loob ko at di na kita iisipin sa araw na ito. Hindi ka rin naman dapat binibigyan ng importansya, darami lang ang wrinkles sa fez ko pag lagi kitang iniintindi.
Basta, Miss, hindi ka nakakatuwa.
Hindi talaga.
1 comment:
inggit lang yun sa iyo :)
may kilala nga ako, 4 years old na ata anak nya, ayaw pa tumigil ng anak nya sa breast feed. pag ganun, dapat talaga sabihan ka na. pero baby baby pa anak mo. breast feed muna mas okay :)
Post a Comment